Site icon PULSE PH

Alex Eala at Felix Auger-Aliassime, maagang napatalsik sa US Open mixed doubles!

Nauwi sa maagang pagka-lika ang kauna-unahang pagsabak ng tennis sensation na si Alex Eala sa mixed doubles category ng US Open sa New York.

Mabilis na pinadapa ng mag-asawang nina Gael Monfils ng France at Elina Svitolina ng Ukraine ang tambalan nina Eala at ng Canadian tennis star na si Felix Auger-Aliassime sa pamamagitan ng dominanteng 4-1, 4-1 na resulta.

Sa kabila ng kaniyang karanasan sa mga doubles tournament, bago pa lamang kay Eala ang pakikipagpares sa mixed doubles event. Hindi man naging maganda ang naging simulain ng kaniyang pakikipagtambal sa World No. 4 na si Auger-Aliassime, may magandang maidudulot pa rin ito sa kaniyang kampanya.

Dahil sa maagang pagkakatanggal sa doubles, mas makakapag-pokus na ngayon ang young Filipina star sa kaniyang pangunahing laban sa singles main draw ng US Open kung saan inaasahan ng marami ang kaniyang magandang ipapakita.

Exit mobile version