Metro
NBI At DOJ, Nilinaw Na Hindi Pa Tumatakas Sa Batas Si Leandro Leviste
Nilinaw ng Department of Justice (DOJ) na hindi pa maituturing na “fugitive from justice” si Congressman Leandro Leviste, kahit na may inilabas nang warrant of arrest laban sa kanya ang isang hukuman sa Makati. Ayon sa DOJ, mayroong sinusundang tamang proseso ang batas at kailangan munang bigyan ng pagkakataon ang akusado na humarap sa nakatakdang pagdinig bago siya pormal na ideklarang tumatakas.
Nag-ugat ang usapin matapos maglabas ng warrant ang Makati RTC Branch 235 laban kay Leviste at dalawa pang indibidwal ukol sa umano’y paglabag sa Public Service Act. Kasalukuyang nasa France si Leviste upang alagaan ang kanyang inang si Senador Loren Legarda na may sakit sa baga, ngunit siniguro ng kanyang kampo na nakatakda itong umuwi ng bansa upang personal na humarap sa korte at magpiyansa.
