Entertainment
Beabadoobee, Babalik Sa PH Para Sa Kanyang Pinakamalaking Concert Sa Abril 2027
Magbabalik sa Pilipinas ang Filipino-British singer na si Beabadoobee, o Beatrice Kristi Laus sa totoong buhay, para sa kanyang pinakamalaking show sa bansa. Inihayag ng concert promoter na Live Nation Philippines na gaganapin ang kanyang “Powerlines” tour sa Mall of Asia Arena sa Abril 13, 2027.
Ang nasabing tour ay para sa pag-promote ng kanyang ikaapat na album na “Pylon,” kung saan tampok ang mga awiting “Sun Has Set,” “Switchblade,” at “Memories” na co-produced ni Matty Healy ng The 1975, pati na rin ang “Nothing to Prove” na kolaborasyon niya kasama si Hayley Williams.
Nakatakdang magsimula ang artist presale ng mga tiket sa Oktubre 12 sa opisyal na website ni Beabadoobee. Susundan ito ng Mastercard presale sa Oktubre 13 at ng Live Nation Philippines presale sa Oktubre 14, bago ang pangkalahatang pagbebenta ng tiket sa Oktubre 15 sa pamamagitan ng Ticketmaster.
