Connect with us

Metro

Sandiganbayan, Muling Ibinasura ang Hiling ni Revilla na Mag-Inhibit ang Presiding Justice

Published

on

Muling tinanggihan ng Sandiganbayan Special Third Division ang ikalawang mosyon ni dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. na patulakin o mag-inhibit si Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang mula sa paghawak ng kanyang kasong malversation hinggil sa umano’y pekeng flood control projects sa Bulacan.

​Sa desisyon ng korte, binigyang-diin ng mga huwes na walang sapat na batayan o patunay ng pagkiling si Cabotaje-Tang para alisin ito sa paghawak ng kaso. Giit ng Sandiganbayan, ang mga naunang desisyon ng korte laban sa mga petisyon ni Revilla ay batay sa legal na proseso at ebidensya, kaya’t ipagpapatuloy ng presiding justice ang kanyang tungkulin sa paglilitis.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Pulse Ph