Connect with us

Metro

TIEZA: “Pagtatanggal ng travel tax, makakasama sa mga proyektong panturismo!”

Published

on

Nagbabala ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (Tieza) na maaaring maapektuhan nang husto ang mga imprastraktura ng turismo sa bansa kapag tuluyang itinulak ang pagtatanggal sa travel tax. Sa ginanap na budget hearing sa Senado, humiling ng transition period si Tieza Chief Operating Officer Mark Lapid dahil halos 94 hanggang 95 porsyento ng pondo ng kanilang operasyon at mga proyekto ay nanggagaling sa pondo ng travel tax.

Ipinaliwanag ni Lapid na ang kalahati ng nakokolektang travel tax na humigit-kumulang P4.03 bilyon ay ginagamit para sa mga kritikal na proyekto tulad ng pagpapanatili ng kalinisan ng tubig at sewerage systems sa El Nido, Coron, at Baguio, pati na rin ang rehabilitasyon ng 10 lokal na paliparan. Nilinaw ng opisyal na hindi sila kontra sa mismong pagtatanggal ng buwis, ngunit nangangamba silang mawalan ng pantustos sa mga proyekto dahil wala ring inilaang pondo para sa kanila ang Department of Budget and Management para sa taong 2027. Nangako naman ang Senate finance subcommittee na pag-aaralan ang naturang usapin kasama ang DBM upang makahanap ng alternatibong pondo para sa imprastraktura ng turismo.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Pulse Ph