Connect with us

Sports

Team Sibol, Nag-Uwi ng Bronze Medal sa Pokemon Unite sa Asian Games

Published

on

Nagdagdag ng panibagong karangalan sa bansa ang pambansang esports team ng Pilipinas na Sibol matapos nitong masungkit ang medalyang tanso sa Pokemon Unite event sa ginagawang 20th Asian Games sa Japan.

Nakuha ng koponan ang bronze medal matapos silang pataubin ng Indonesia sa pamamagitan ng 2-0 sweep sa ginanap na semifinal round noong Linggo sa Aichi Sky Expo Hall D. Naging tight at dikit ang unang laro kung saan bahagyang nakalamang ang Indonesia sa puntos na 312-277, ngunit tuluyan nang pinalad at tinalo ng kalaban ang Pilipinas sa ikalawang laro sa iskor na 887-224.

Kahit naapos ang laban sa semis, isa pa rin itong makasaysayang tagumpay dahil ito ang kauna-unahang medalyang nakuha ng Sibol sa esports sa Asian Games. Ang nasabing Pokemon Unite squad ay binubuo ng mga manlalaro mula sa Team Nemesis na dumaan din sa kompetisyon sa Pokemon World Championships sa San Francisco noong nakaraang taon. Sa kasalukuyan, mayroon nang dalawang ginto, dalawang pilak, at pitong tanso ang Pilipinas sa kabuuang talaan ng kompetisyon.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Copyright © 2026 | Pulse Ph