Entertainment
Pelikulang Pinoy at Thai Dramas Magkakasama na sa mga Bagong Kolaborasyon
Isang delegasyon ng mga artista, film producers, at media executives mula sa Thailand ang bumisita kamakailan sa Maynila para sa trade mission na “Thai Content in the Philippines 2026.” Pinangunahan ng Department of International Trade Promotion (DITP) ng Thailand Ministry of Commerce ang naturang programa upang magbukas ng mga oportunidad para sa kolaborasyon at paggawa ng mga pelikula at serye kasama ang mga lokal na kompanya sa Pilipinas.
Dumalo sa networking dinner sa New World Hotel, Makati City ang mga kilalang Thai actors tulad nina Jatuporn “Jay” DangUrai, Yang Dong Won, Kharittha “Chingching” Sungsaopath, at Thannidhi “Judo” Tharinpirom, kasama ang iba’t ibang kinatawan mula sa Thai production houses (tulad ng ProGold Plus, Waga Creative, Studio 1986, at Halo Productions). Sumuporta rin sa kaganapan ang mga opisyal mula sa parehong bansa pati na ang ilang Pilipinong artista tulad nina Royce Cabrera, Gillian Vicencio, at Kristof Garcia. Bago ang nasabing kaganapan, bumisita rin ang delegasyon sa GMA Network Center upang palakasin ang ugnayan sa pagpapalabas ng mga Thai lakorn at posibleng pagsasama ng dalawang bansa sa hinaharap na mga proyekto.
