Entertainment
Dr. Mike, Inalala ang Past Romance nila ni Pia Wurtzbach!
Muling nabanggit ng sikat na American doctor at YouTuber na si Mike Varshavski, o mas kilala bilang Doctor Mike, ang kanyang nakaraang pakikipag-date kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach. Sa kanyang podcast kung saan naging panauhin niya ang Filipino-Canadian content creator at nurse na si John Dela Cruz o Nurse John, naibahagi ni Doctor Mike kung paano siya “nakain” o naging bahagi ng kulturang Pilipino noong panahong iyon.
Nagsimula ang tsikahan nang tanungin ni Doctor Mike si Nurse John tungkol sa pagrerepresenta ng Pilipinas sa international stage. Dito nabanggit ni Nurse John ang tungkol sa pageant world at kung gaano katindi ang eksaminasyon o pagsusuri ng publiko sa mga kandidata ng Miss Universe. Natawa na lamang si Doctor Mike at sinabing napakapamilyar niya rito dahil nakipag-date siya kay Pia noong nasa peak ito ng kanyang karera. Pagsang-ayon naman ni Nurse John, kapag nakipag-date ka sa isang Pilipino ay tila nagiging Pilipino ka na rin, na pinatotohanan naman ni Doctor Mike sa pagsasabing talagang nakakain ka sa kultura ng bansa.
Napag-usapan din ng dalawa ang maselang bahagi ng beauty pageant industry kung saan inilarawan ito ni Doctor Mike bilang napaka-toxic dahil sa matinding pressure at pambabatikos na natatanggap ng mga kalahok. Magugunitang unang naibalita ang romantikong ugnayan nina Doctor Mike at Pia noong taong 2016. Sa kasalukuyan, masayang maybahay na si Pia ng Scottish entrepreneur na si Jeremy Jauncey simula noong 2023.
